My mom suffering from Chronic Kidney Disease stage 5,Her current life and kidney support is by having hemodialysis 3x a week since February 2016.
January 2015,
Nag umpisa na yung pamamaga ng Paa ni Mama, Inakala lang namin
na simple maga lang di naming pinansin.
March 2015,
Akala namin napuwing lang ang kaliwang mata ni Mama,
hindi din naming pinsan ito, pero dito na palang nag uumpisa mag sipag putukan
ang mga ugat niya sa mata. Na pwede niya ikabulag
April-October 2015
Nag uumpisa na ang pag labo at pag dilim nang paningin
niya,
Novmeber 2015
Doon palang namin napatingin ang mga Mata ni Mama, at
doon na sinabi nang Dr, na kailangan laser ang mga Mata niya at cause ito nang
pagiging diabetic,
Dec 2015
Napalaser naming ang Mata ni mama, naging okay lahat,
bumalik yung paningin niya kaso Malabo na ang mga mata niya,
January 29 2016
Pumunta kami sa Hospital para mag pa check up I pa check
up si mama, at ung araw nay un ang sabi samin ng Dr, kailangan I admit si
mama, dahil na nadetect na CKD STAGE 5
(Chronic Kidney Disease STAGE 5)
February 5 2016
Emergency Dialysis na siya, kinaylagan nang butasan ang
leeg niya, dahil wala pang Fistula.
March 2016
Pag kalabas niya sa Hospital JBL San Fernando, pinalagay
na naming ang Fistula niya, para matangal na ung Catheter na nasa leeg niya,
Para madialysis siya, Twice a week siya nag didialysis, Taga Magalang pa kami,
at ang Dialysis Center ay sa Sanfernando po, kaya kailangan pa naming mag
commute, Papunta at pag tapos ng Dialysis niya, Sobrang Pagod ni mama sa
sitwasyon nay un.
April to June
Sa JBL San Fernando padin si mama nag Didialysis, at
ilang buwan din nahantay na matangal na ang sa catheter sa leeg niya at magamit
na ang fistula, Simula ng nag dialysis siya tutok na kami sa pag aalaga
sakanya, Ilang beses na kaming balik balik sa Hospital, may times na biglang
bababa o tataas ung Potassium niya, o kung di kaya yung sugar niya, ilang beses
na din siya nag kukulangan nag dugo, at kailangan salinan, 2 bags o 3 bags 4
bags Blood, na ang hirap hanapan ng BLOOB TYPE niyang AB at sobrang mahal. Pero
sa awa nang Dios nalalagpasan naming ang Gastos.
July 2016
Sa awa ng Dios, tinulungan kami nang kakilala ko
makalipat sa malapit na Dialysis Center dito sa Magalang Bren Guioa (BGZ)
August 2016 June 2019
Sa BGZ siya nag Dialysis, hanggang dumating yung time na
nagka problema ang Center at nag Close na ito,
July, August 2019
Napilitan mag hanap ng Center kung saan may available na
time, at doon kami napadpad sa San Fernando, Hemotech. Nag bayad kami mahigit
10,000 para sa panibago mga latest test, at mga gamit ni mama, katulad ng
Dialyzer,Injects etc. sobrang hassel at sobrang pagod si mama sa byahe, kaya
sinubukan namin hantayin na magkaroon ng available slot dito sa St, Theresa
Sta.Cruz Magalang, and Thank God nakalipat kami, at panibangong requirements
nanaman 10,000. Atleast din a siya mapapagod sa layo ng byahe at isang tricycle
lang para makarating doon.
September-November 2019
Nagbago ang lagay ni mama, biglang lumalaki ang tyan
niya, ang dating 2 times a week, ginawa na nilang 3 times a week, (Monday,
Thursday at Saturday) Sumisigaw na masakit na ang nararamdaman niya, emotional,
umiiyak,sinsabi niyang pagod na siya, halos hindi na makatayo, makakain ng
maayos, di makatulog sa gabi, sumisigaw at may times pa nag tatawag ng mga
kamag anak niya na wala na dito sa mundo natin. Nakikita ko ung pagod niya pero
di kami nawawalan nang pag asa. Malakas ang faith ko kay Lord na gagaling si
mama at lalakas siya at babalik siya sa dati, latest lang nito bago matapos ang
November pina 2d echo siya, at mahina na ang pump ng heart niya, pina Gastro ko
din siya sa tyan kung anong magandang gawin para gumaan ang pakiramdam niya,
Decemeber 2 2019
Binutasan na ang tyan niya para matangal ung tubig sa
tyan niya (PARACENTESIS) nakuha ang 3 liters water sa tyan niyan,underweight
siya 38kls nalang siya, sabi niya lumuwag na ang pakiramdam niya sa tyan niya,
pero mahina parin siya, Halos di parin makakain ng maayos, sumisigaw at laging humihingi
nang tulong, nanhihina, pinapainum naming siya ng Nephro Can Milk, na para yun
ung full Food niya, isang Nephro Can ay nagkakahalagang 215 pesos,
Nag tutulungan kaming Pamilya ko, para maraos lahat ng
pangangailangan para kay mama,Sa pamilya kong Tumutulong saamin, dahil sa di
sapat na Sweldo o Income para sa
Dialysis Session,Dialyzers,Inject,Medical Maintenance,General Check up at lalo
pa pag dumating sa puntong Emergency. Salamat din sa Philhealth at sa Government nanag
bibigay tulong para sa mga Dialysis Patients, Malaking tulong din samin para
makaraos sa pangangailangan niya, pero pag dating nag October hanggang December ubos an gang Philhealth kailangan na naming mag
bayad ng 2600 isang session para madialysis siya, 1200 para sa dialyzer niya,
350 bayad sa Center para madialysis siya,